HomeTrendingValerie Concepcion, inalala ang kanyang pagiging batang ina sa edad na 16...

Valerie Concepcion, inalala ang kanyang pagiging batang ina sa edad na 16 taon gulang.

Published on

spot_img


Matatandaang sa edad na 16-anyos pa lang ay nabuntis na at naging single na teenage mom ang aktres na si Valerie Concepcion. Sa murang edad na ito ay walang nagawa kundi buhayin mag-isa at tuluyan ng maagang maging mature at responsable si Valerie.

Muli itong pinag-usapan at inaalala nang minsan siyang mag-guest sa show na Magandang Buhay.


 

 

“Tinago ko [sa parents ko] na may boyfriend ako, tapos biglang buntis na nga. Habang buntis pa ako, kinukulong ako sa bahay kasi natatakot sila na baka makipagtanan ako, ganun.”
Kasi na-in love na in-love talaga ‘ko as in nung time na yun, sa tatay ng anak ko, so parang natatakot sila na, naku! baka biglang sumama ‘yan, baka biglang sunduin.” pahayag ng ngayo’y 34 taon gulang na si Valerie.


Có thể là hình ảnh về 1 người và trong nhà
Valerie Concepcion | Facebook

 

Có thể là hình ảnh về 1 người và đang đứng
Valerie Concepcion | Facebook


 

Hanggang sa humupa ang tensyon at naging matiwasay ang lahat nang maisilang na ang kanyang anak na babae.
“Nung nanganak na, nakita na nila yung apo.. Ayun! First apo kasi eh so favorite na, masaya na.”
Hindi nagkatotoo ang inakala ni Valerie na mala-Fairy Tale love story nila ng nobyo. Tinangka man nitong mag alok ng kasal, pero hindi pumayag ang mga magulang ni Valerie dahil wala pa ito sa legal na edad.


Có thể là ảnh chụp cận cảnh 1 người
Valerie Concepcion | Facebook

 

Có thể là hình ảnh về 2 người và em bé
Valerie Concepcion | Facebook


 

“Una iyak-iyak lang ako. Hindi ba dadating yung guy? Hindi ba kami ise-save? Hindi ba kami kukunin?”
Sa pagguho ng pag-asang magbabalik pa ang ama ng bata, napagtanto ni Valerie na kailangan na nitong bumangon at mag umpisang buhayin at suportahan ang anak na si Heather Fiona.
Hindi pa man nito nakikita ng personal ang kanyang ama, hindi naman inilihim ni Valerie ang tungkol dito at ipinakilala niya sa pamamagitan ng mga litrato.


Valerie Concepcion | Facebook

 

Có thể là hình ảnh về 2 người, bóng bay, bánh ngọt và trong nhà
Valerie Concepcion | Facebook


“Bata pa lang sya, hindi ako nagsisinungaling. Sinasagot ko nang maayos, ini-explain ko lahat. Kahit hindi pa nya nakikita in person yung dad nya, pinakita ko yung picture. Eto yung tatay mo, eto ang pangalan nya. Wala akong sinisikreto sa kanya.” Kwento ng aktres.
Nagpatuloy at nagtapos ng pag-aaral si Valerie noong 2018 sa kursong Bachelor of Arts degree in Psychology.
Ikinasal na rin siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga noong December 2019 at patuloy na masayang nagsasama.


Có thể là hình ảnh về 1 người và đang đứng
Valerie Concepcion | Facebook
Có thể là hình ảnh về 2 người, mọi người đang đứng và trong nhà
Valerie Concepcion | Facebook


Source: Magandang Buhay | ABS-CBN Entertainment

Latest articles

More like this