HomeTrending Matandang pahinanteng nakatutulog habang nakakapit sa truck umantig ng puso, nagdala...

[Video] Matandang pahinanteng nakatutulog habang nakakapit sa truck umantig ng puso, nagdala ng pangamba

Published on

spot_img



Realidad na sa buhay ng iba ang pangangailangan na magtrabaho pa rin sa kabila ng matinding pagod ng katawan at ng katandaan—katulad na lamang ng isang matandang pahinante na nakatutulog na habang nakakapit sa tumatakbong truck sa Malinta, Valenzuela na nakuhanan ng video kamakailan.

Kuwento ni Alfie Balonzo na tubong Tagkawayan, Quezon ngunit sa Maynila nagtatrabaho, sakay siya noon ng sasakyan na nakasunod sa truck ng mga case ng inumin na waring binabantayan ng matandang pahinante na nasa likod.


“Papunta kami sa Meycauayan, Bulacan dahil may ipi-pick-up na parcel. Nakita ko si Kuya. Naawa ako, pahinante rin, e,” pagbabahahi niya sa Traffic Digest. “Nasa likod lang yata para magbantay sa mga ide-deliver nila.”

Ani Alfie, bagama’t modelo at inspirasyon ang matandang pahinante sa mga taong malalakas at bata pa pero ayaw magtrabaho, nakababahala rin daw dahil delikadong makabitaw ito sa kinakapitan kung mapapasarap ang tulog.


“Naawa talaga ako, medyo may edad na rin siya tapos sumasabak pa siya sa ganoong klase ng trabaho, nakasabit lang halos,” aniya.

Sa video ni Alfie, maririnig na may sumigaw at nagsabi sa matandang pahinante na baka mahulog ito ngunit antok na antok at nakatutulog pa rin ito.



Latest articles

More like this