HomeTrendingViral Video | Delivery Rider, lumuhod at nagmamakaawa sa isang Traffic Enforcer

Viral Video | Delivery Rider, lumuhod at nagmamakaawa sa isang Traffic Enforcer

Published on

spot_img


Na-videohan at agad na nag-viral ang pagluhod ng isang Delivery Rider sa isang Traffic Enforcer na diumano’y nangyari ang panghuhuli sa lugar ng Las Piñas.

Ilang beses na lumuhod ang Delivery Rider na ito habang sinusundan ang lakad ng Traffic Enforcer na nagsusulat sa kaniyang paniket.

Makikita din sa video na labis na nagmamakaawa ang Rider sa Enforcer, ngunit tila hindi ito pinapansin ng huli ang Rider.


Nagwawala at inis na inis ngayon ang mga netizen na nakapanood ng nag-viral na video.

Sinabi ng ilan na hindi raw nagpakatao ang enforcer, at hindi man lang pinagbigyan ang rider.

Ayon din sa mga netizen ay baka may malalim na dahilan ang rider kaya nito nakayang magmakaawa at lumuhod sa enforcer, siguro raw ay wala pa itong kita at walang pangtubos sa kaniyang lisensya.

Ang ibang nga netizen ay willing na magbigay ng pera sa Rider upang pantubos sa kaniyang lisensya.

Mayroon din namang mga netizen ang nagtanggol sa enforcer, at ginagawa lang daw umano nito ang kaniyang trabaho.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizen.

”mukhang may pinagdadaanan sa buhay yung rider at gipit sya sa pera kaya nagawa nya ibaba ng sagad yung pagkatao nya wag lang sya maticketan at magmulta. sana naman binigyan ng consideration.”



”Baka mahanap nyo c paps.. Taga san sya? Ako na magbabayad ng Violation nya.”

”mabait po yan si sir napakikiusapan sna po nasunod sa batas trapiko… ginagawa lang nya din po ang trabaho nya.. choice ni kuya lumuhod na sana hindi nya ginagawa”

”Sumunod ka sa batas ganyan talaga ang buhay. Kung di ka huhulihin di ka matututo”

Sa kasalukuyan ay hindi pa nalalaman ang tunay na pangyayari sa likod ng viral video ng Delivery Rider at Traffic Enforcer.


Latest articles

More like this