HomeTrendingWhamos At Antonette Gail, Binatikos Matapos Painumin Ng Tubig At Pinilit Ibuka...

Whamos At Antonette Gail, Binatikos Matapos Painumin Ng Tubig At Pinilit Ibuka Ang Mata Ni Baby Meteor

Published on

spot_img



Umani ng batikos mula sa maraming netizens ang magkasintahang vloggers na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario dahil sa ginawa nila sa kanilang bagong silang na anak na si Baby Adriel Meteor.

Matatandaang nitong January 23 ay isinilang ni Antonette ang panganay nila ni Whamos na si Baby Meteor.

Mula nga nang ipinanganak ito ay laging nagbibigay ng updates sa netizens sina Antonette at Whamos tungkol kay Baby Meteor.


Hanggang nitong January 27 video nga ng dalawa ay inulan ng maraming batikos mula sa netizens.

Sa nasabing video, ipinagdiwang nila ang pagkakaroon ng 500K followers ni Baby Meteor.

Ngunit, imbes na matuwa, hindi mapigilan ng netizens na madismaya kina Antonette at Whamos.

Una, dahil pinipilit ng dalawa na gisingin ang kanilang natutulog na anak.


Giit ng netizens, nakakasama ito kay Baby Meteor, lalo na sa development ng brain nito.

Idinagdag din ng netizens na sana ay hayaan muna ng dalawa na matulog si Baby Meteor at lumaki tsaka raw nila ito ‘pagtrabahuhin’.

Pangalawa pang ikinagalit ng netizens ay ang pagpapainom ng tubig ng dalawa kay Baby Meteor.

Sabi ng ilang netizens, bawal pang painumin ng tubig ang isang sanggol.


Ayon naman sa website ng Healthline, ang mga sanggol na wala pang anim na buwan ay dapat lamang bigyan ng breastmilk o formula milk dahil hindi pa angkop ang kanilang katawan sa tubig.

Bukod dito, ang mga sanggol na may maliliit na tiyan at nagde-develop pa lang ang mga kidney ay maaaring makaranas ng pagkawala ng sustansya (nutrient loss) at pagkalasing sa tubig (water intoxication) kung bibigyan sila ng tubig.

Samantala, dahil sa nasaksihan ng netizens mula kina Antonette at Whamos kaya naman pinayuhan nila ang dalawa na sumailalim sa counseling o magbasa ng mga libro tungkol sa pag-aalaga ng bagong silang na anak.


Narito ang ilang komento ng netizens:

“hindi siya nakakatuwa newborn pinapainom ng tubig kasi matamis daw ang gatas”

“Naku..di po yan isang taon na ayus lng gisingin na mahimbing ang tulog, kahit nga isang taong pa man bawal po kapag natutulog yong brain development po ng bata tsaka magiging itritable po yn si baby khit nga matanda nagagalit kapag ginigising kung mhimbing tulog”

“Para lang sa isang content hayaan niyo muna kusang gigising din po yan”

“You should seek guidance and parenting counseling po as a first time mom . At ikaw naman po whamos it’s not your first baby naman sana.”


“sana madaling araw kayo nag pictorial, sigurado gising si baby nakakatawa yung pinipilit gisingin yung newborn baby “

“Wag pilitin gisingin ang bata oras ng tulog kz nya yan … Mssira ang brain ng bata pag pilitin gisingin po..”


Latest articles

More like this